Home NATIONWIDE Repair sa nasirang tulay ng PNR sa Albay, ipinag-utos ng DOTR

Repair sa nasirang tulay ng PNR sa Albay, ipinag-utos ng DOTR

326
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang agarang pagsusuri sa tulay ng Philippine National Railways (PNR) sa Albay na nasira ng Super Typhoon Uwan, matapos ipag-utos ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang pagkukumpuni nito.

Ayon sa DOTr, ang tulay na nagkokonekta sa San Rafael at Maipon sa Guinobatan, Albay ay nagtamo ng structural damage sa pagtama ng bagyo nitong Nobyembre 9.

Sinabi ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na nakahanda ang mga inhinyero ng PNR na magsagawa ng inspeksyon sa sandaling gumanda na ang panahon.

Dahil sa pinsala, pansamantalang sinuspinde ang mga biyahe ng PNR para sa rutang Naga–Legazpi, na nakakaapekto sa humigit-kumulang 400 pasahero araw-araw.

Upang matulungan ang mga komyuter, inatasan ng DOTr ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magdeploy ng karagdagang public utility vehicles (PUVs) sa lugar, ayon kay Lopez.

Magsasagawa rin ng masusing inspeksyon sa buong Bicol commuter train route upang masiguro na walang iba pang istruktura ng riles ang nasira.

Sinabi ng DOTr at PNR na magbibigay sila ng update kapag nakumpleto na ang buong pagtataya at plano sa pagkukumpuni. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here