Home METRO Retiradong hukom nilooban sa Pandacan; suspek timbog

Retiradong hukom nilooban sa Pandacan; suspek timbog

1
0

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 23-anyos na lalaki matapos umanong looban ang bahay ng isang retired regional trial court judge sa Pandacan, Manila.

Ayon sa Manila Police District, nangyari ang insidente dakong alas-8 ng gabi noong Linggo, Setyembre 13, sa bahay ng 78-anyos na dating hukom sa Barangay 864, Zone 94.

Napansin umano ng isang saksi ang lalaking nasa loob ng bahay habang naghahanda itong maligo kaya agad siyang nagkulong sa banyo at humingi ng tulong sa kanilang family group chat.

Rumesponde ang mga tauhan ng Pandacan Police Station 10 at nakipag-ugnayan sa mga barangay official ngunit hindi agad natunton ang suspek.

Sa follow-up operation at pagsusuri ng CCTV footage sa mga kalapit na barangay, nakilala at naaresto ang suspek na alyas “Siopao.”

Sinabi ng pulisya na robbery ang kasong iniimbestigahan at sangkot sa insidente ang isang .38-caliber Smith & Wesson revolver.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at iba pang detalye kaugnay ng insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here