Home HOME BANNER STORY Reward system sa war on drugs ‘di totoo – Go

Reward system sa war on drugs ‘di totoo – Go

139
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Senador Bong Go nitong Sabado na mayroong umano’y “reward system” na umano’y umabot sa P1 milyon kada patayan sa giyera ni dating pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.

“Nais kong klaruhin na walang reward system na iniimplementa noon kapalit ang buhay ng sinuman,” ani Go sa isang pahayag.

“Malinaw nang maraming beses na ipinahayag ng dating Pangulo na ang kanyang administrasyon ay hindi kailanman nagbigay ng sanction o nagparaya sa anumang uri ng walang kabuluhang pagpatay,” dagdag niya.

Itinanggi rin niya ang mga pahayag na sangkot siya sa paghawak ng pera para sa diumano’y reward system sa drug war.

“Bilang Special Assistant of the President noon, wala akong partisipasyon kahit ano, direkta man o hindi, sa operational requirements ng war on drugs,” anang senador. “Let me be very clear. Walang kinalaman ang aking opisina sa operasyon at organisasyon ng pulisya. Hindi rin ako mismo humahawak ng pera ng opisina ng Pangulo dahil hindi yan parte ng mga tungkulin ko noon.”

Sinabi ni Garma na ang sistemang ito ay may kasamang rewards, kabilang ang price money na mula P20,000 hanggang P1 milyon.

“The Affidavit and statements of Col. Garma during the recent Quadcomm hearing are clear diversionary tactics to muddle the true issue she is facing – her participation in an alleged murder plot,” giit naman ni Go ukol sa pahayag ni Garma.

“Malicious and unsubstantiated statements should have no place in any credible investigation,” aniya pa.

Hinikayat naman niya ang Senado na magsagawa ng sariling “impartial investigation” sa isyu. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here