Manila, Philippines – May sama pa rin ba ng loob si Carla Abellana sa kanyang ama at beteranong aktor na si Rey “PJ” Abellana?
One cannot help but ask this question makaraang iniulat ng PEP na hindi pala imbitado si Rey sa kasal ni Carla nitong December 27.
Naganap sa Tagaytay City ang pag-iisang-dibdib nina Carla at Dr. Reginald Santos.
Matipid ang text reply ni Rey sa PEP: “No invite po.”
Pero pumayag naman daw siya na malathala ng PEP ang kanyang sagot.
Medyo mahaba nga lang ang text message ni Rey nang hingan ng PEP kung ano ang kanyang wish para sa anak.
Ayon sa aktor: “I feel worried for them and I wish they will acknowledge the righteous ways of God to make them realize what is right and wrong for them…to avoid bad luck.”
Hindi na raw nag-reply uli si Rey, prompting PEP to think na sinadya ‘yon ng aktor para hindi na maging negatibo ang kanyang dating.
Matatandaang ikinasama ng loob ni Carla ang pagpapaunlak ng radio interview ng ama sa programang Cristy Ferminute noong kainitan ng isyu ng paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez.
Hindi umano nagustuhan ni Carla ang hindi paghingi ng permiso sa kanya ni Rey, who was asked what he knew about the separation.