Home ENTERTAINMENT Rez, nanawagan ng prayer vigil sa showbiz!

Rez, nanawagan ng prayer vigil sa showbiz!

Naalarma na rin ang mga opisyales sa showbiz sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga artista. Kaya may plano ang iba’t ibang organisasyon sa showbiz na magdaos ng mala-prayer virgil na pangungunahan ng Mowelfund executive na si Rez Cortez.

“Actually, hindi lang Mowelfund. Pati FDCP, Film Academy magkakaroon ng religious event para ipagdasal ang mga namatay at sana maputol na yung pattern,” sagot ni Rez.

Wala pa raw saktong petsa kung kailan. Pagmi-miitingan pa lang kung kailan at kung paano ang gagawing sistema.

“Yes, nakakalarma rin. ilang tao na. Sunud-sunod, o. Hindi lang malalaking artista. May maliit din.

“Si ano, si Romy Romulo. Yung character actor, yung doon sa ‘Batang Quiapo.’ Yung nakakulong, yung parang pinaka-mayor nila doon, si Romy yun. Yung maraming tato,” kwento ni Rez.

More than 50 years nang kakilala at kaibigan ni Rez si Ricky Davao.

“Siya yung example nu’ng, imagine, bigla na lang last year (na-diagnosed ang cancer sa katawan ni Ricky).Ilang taon yun na sabay kami na nagpapa-annual check-up ni Ricky, si Bembol (Roco). Health buff naman si Ricky, e. Nagda-diet pa,” diin pa ni Rez. Julie Bonifacio