Manila, Philippines- Umalma lalung-lalo na ang mga supporters ni Vice President Sara Duterte sa “shiminet” trend na uso ngayon sa social media, partikular na sa ginawang pag-lipsync ni Rhian Ramos sa Instagram.
Ang “shiminet” ay pinaikling “she may not” na linyang binitawan ni Duterte sa Senate hearing na kumuwestyon kung paano nito ginastos ang P125M na confidential funds sa loob ng 11 araw.
Dahil sa pag-lipsync ay si Rhian ang napagbalingan ng mga Duterte supporters.
Pinaratangan ng mga ito ang Kapuso actress na “naghahanap ng kaaway.”
Samantala, naikunek naman kay Rhian ang cryptic post ni direk Daryll Yap.
Sa paraan ng blind item, ipinost ni direk Daryll na: “Kapag artista ka nagpalaglag sa Singapore, bawal magpaka-cool!”
Bagama’t hindi nga tinukoy ng film director kung sino ang artistang ‘yon, inakala ng mga netizens na si Rhian ‘yon.
Nasa bandang huli ng post ng direktor ang linyang: “Bahala na kayo riyan!”
Mariin naman itong itinanggi ni direk Daryll, sabay buweltang: “Huwag kayong maisyu!”
Sa letrang “O” din daw nagtatapos ang pangalan ng artistang sinasabi niyang nagpa-abort sa Singapore.
Dahil damay na nga si Rhian, hindi maiwasang ungkatin ng mga netizens ang relasyon nito sa dating nobyong si DJ Mo many years ago.
Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon si Rhian.
As for the line “shiminet,” minsan nang ipinagtanggol ni dating Comelec Chair at ngayo’y Representative Rowena Guanzon ang pagiging Bisaya ng nakaupong VP. Ronnie Carrasco III