Home ENTERTAINMENT Richard at Barbie, lantaran na!

Richard at Barbie, lantaran na!

Manila, Philippines – Barbie Imperial’s photo on her Instagram Stories on May 27 created a stir.

Mirror selfie ang ipinost ni Barbie, pero ang mas nakaagaw ng atensyon ng mga netizens ay ang lalaki sa likod niya at a gym.

Naka-headset, sumbrero at itim na sando na nag-e-exercise din ang naturang lalaki.

Pero kung build at build din lang ang pagbabasehan ay nagkakaisa ang comment ng mga netizens.

Ang lalaking ‘yon ay nakakahawig ni Richard Gutierrez.

Kaya ang tanong: pagkatapos daw bang maispatan sa isang shopping district sa South Korea ay sa isang gym naman nila sinadyang makita, that is, kung si Richard nga ang nasa likod ni Barbie.

If so, lantaran na nga raw ba ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, the hell they care about what other people would say?

Tulad ng inaasahan, hindi gaanong kagandahan ang mga comments ng ilang netizens.

Isa sa kanila posted: “So Barbie thinks that Richard is a great catch and flex-worthy?”

Hindi raw ba aware si Barbie sa naging problema ni Richard sa asawa nitong si Sarah Lahbati?

Na sa dinami-dami ng mga nagkalat na lalaki ay sa pamilyado pa niya napiling pumatol?

Obviously, these netizens have jumped the gun.

Pero after all these sightings and expectedly many more to come, ano ang ending nito: pag-amin na ba na sila na?

Inunti-unti lang ba nina Richard at Barbie before the big reveal? Ronnie Carrasco III