Home ENTERTAINMENT Richard at Charlotte, spotted sa isang resort!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Richard at Charlotte, spotted sa isang resort!July 18, 2025 19:403190 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Break na nga ba sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez?At kung totoo ito, may ipinalit na ba ang Kapamilya actor kay Barbie?Viral kasi ngayon ang mga nakunang larawan ni Richard kasama si Charlotte Winter.Si Charlotte ay isang social media personality na dating nobya ni Xian Gaza, ang self-proclaimed “Pambansang Marites.”Base sa mga post na kumakalat sa Facebook at TikTok, sighted sina Richard at Charlotte sa Vineyard Resort sa Batangas.May mga solo photos sila na kuha sa parehong lugar bilang patunay.May eksena ring magkatabi sila sa isang sofa sa isang resto, pero kasama ang ilang kaibigan.Shocked naman ang mga netizens sa bagong development na ito sa personal na buhay ni Richard.Noong isang taon lang kasi pumutok ang balita tungkol sa kanila ni Barbie, only to find out na may iba na siyang nobya?Kung totoo man ito, nagtataka ang mga netizens kung bakit “strangely quiet” si Xian, to think na hindi ito nauunahan sa mga tsika sa social media.Comment tuloy ng isang netizen: “Kataka-taka pa raw ba na ipinagpalit si Xian kay Richard na ga-tuhod lang ni Charlotte?”Aray ko!(Ronnie Carrasco III)