Home ENTERTAINMENT Richard, may mensahe sa mga sasabak sa politika!

Richard, may mensahe sa mga sasabak sa politika!

161
0

Manila, Philippines- Maraming mga taga-showbiz ang sumabak na naman sa politika. Mula sa pagka-senador pababa sa pagiging konsehal, prominente ang maraming showbiz names ng bansa sa 2025 midterm elections.

Nang nakapanayam namin ang award-winning actor na si Richard Quan, tinanong namin siya sa reaction nito sa pagdagsa na naman ng mga taga-showbiz na kakandidato para sa halalan next year.

“Good luck sa kanila, hehehe,” matipid na tugon ni Richard.

Siya ba, posibleng sumabak sa politika at kumandidato rin in the future?

“Sa ngayon wala sa isip ko iyan,” aniya pa.

Bukod sa pelikula nilang Mujigae, nabanggit din ni Richard na parte siya ng The Bagman na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.

“The Bagman ang natapos ko with Arjo Atayde and Judy Ann Santos. Baka next month ipalabas, bale series siya,” sambit ni Richard.

Tinanong din namin ang aktor hinggil sa pelikula nilang Mujigae na tinatampukan nina Alexa Ilacad, ng Korean actor na si Kim Ji-soo at ng talented child actress na si Ryrie Sophia.

Ano ang role niya rito?

“Ako rito si Tatay Emong, isang simple minded tatay ni Alexa na nalagay sa complex situation dahil sa mga naging decisions niya in the past.”

Natutuwa rin si Richard na may mga pelikula na ngayong naipapalabas sa cinemas, unlike noon na sa online lang.

Aniya, “Masaya, dahil finally ay nalagpasan na natin ang worst. I just hope this time magkatulungan na mga tao sa industry towards progress.

“I hope ma-open-up pa lalo sa international market ang mga produced ng Pinoys. And I hope na madagdagan pa ang support ng government sa industry natin.”

Anyway, kasama rin sa Mujigae (Rainbow) sina Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Cai Cortez, Anna Luna, Lui Manansala, Peewee O’Hara, Rolando Inocencio, at Scarlet Alaba, with the special participation of Rufa Mae Quinto.

Ang pelikula ay hatid ng UXS Inc (Unitel/StraightShooters). Ito’y pinamahalaan ni Direk Randolph Longjas at executive producers sina Tony Gloria and Madonna Tarrayo. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here