Manila, Philippines – Wala na talagang kawala sina Richard Guttierez at Barbie Imperial sa mga netizens.
Why? Simple lang.
Their every action is closely followed.
And the moment they’re tracked down, asahang makikita ang resibo splashed all over social media.
Hindi nga nakaligtas sa mga Marites ang blue two-piece bikini picture ni Barbie sa swimming pool.
What’s more revealing though– na inaasahan naman– ay ang pag-like ni Richard sa larawan.
Isang simpleng caption lang din ang inilagay ni Barbie accompanying her photo: “Happy hour.”
Siyenpre, hindi maiaalis na ikunek ang caption na ‘yon sa karaniwang ganap sa mga bar.
Hindi nga raw ba’t ang first ever sighting kina Richard at Barbie ay sa isang bar sa Ayala Alabang, Muntinlupa City kasabay ng pagputok ng balitang hiwalay na ang aktor kay Sarah Lahbati?
With Richard liking Barbie’s photo ay lalo lang daw tumibay ang ispekulasyon na talagang there’s something between them.
Hanggang ngayon, hindi nag-lisyu ng either confirmation or denial ang eirher side.