Home METRO Rider, angkas patay sa karambola sa Cebu

Rider, angkas patay sa karambola sa Cebu

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider at angkas nito nang maipit sa karambola ng limang sasakyan nitong Huwebes, Pebrero 8 sa Osmena Boulevard sa Cebu City.

Ang biktima ay kinilalang si Marcelino Pepito, residente ng Cebu City habang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng babaeng back ride nito.

Sa ulat mula sa Traffic Enforcement Unit (TEU) ng Cebu City Police Station, ang aksidente ay sanhi ng isang sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng 62-anyos na drayber na si Marcelino Denila.

Binabagtas ni Denila ang direksyon patungo sa downtown area nang mangyari ang karambola.

Tinamaan umano ni Denila ang kaliwang bahagi ng isang public utility vehicle (PUV) na minamaneho ni Renante Sumayang, 54, na nasa kabilang direksyon.

Matapos ang banggaan ng dalawang sasakyan, lumihis pa-kaliwa ang isa pang PUV na minamaneho ni Jonel Sabrido upang makaiwas sana sa aksidente.

Kasunod nito, nawalan ng kontrol si Denila at napaarangkada pa ang sasakyan dahilan para mabunggo nito ang motorsiklo ni Pepito.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang backrider sa harapang bahagi ng PUV ni Sabrido, habang tumama naman sa kanang bahagi ng sasakyan si Pepito.

Sa kabila nito, nagtuloy-tuloy pa rin ang SUV at bumangga naman sa kaliwang bahagi ng isa pang SUV.

Dinala ang drayber ng motorsiklo sa St. Vincent Hospital habang ang backrider naman nito ay dinala sa Cebu City Medical Center (CCMC) ngunit hindi na nakaabot pang buhay.

Inaresto ng mga awtoridad si Denila at nahaharap sa patong-patong na kaso ng reckless imprudence resulting in damage to property with physical injuries at double homicide. RNT/JGC

Previous articleMindanao nasa ‘toxic relationship’ na sa Pilipinas, kailangan nang humiwalay – Alvarez
Next articleKonsehal sa Nueva Ecija, itinumba