Home METRO Konsehal sa Nueva Ecija, itinumba

Konsehal sa Nueva Ecija, itinumba

MANILA, Philippines – Patay ang konsehal ng isang munisipalidad sa Nueva Ecija nang pagbabarilin ng hindi pa tukoy na mga salarin sakay ng motorsiklo nitong Huwebes, Pebrero 8.

Kinilala ang biktima na si Roberto Carpio, residente ng Barangay Luyos, San Antonio, at two-term member ng municipal council, na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo nang tambangan bandang alas-7:30 ng umaga ng dalawang lalaking nakasuot ng kulay itim na tshirt at sakay ng itim na motorsiklo, sa Barangay Sto. Cristo ng kaparehong bayan.

“The victim sustained gunshot wounds in his head while the suspects fled immediately in the north direction,” saad sa police report.

Dinala pa sa pinakamalapit na ospital si Carpio ngunit idineklarang dead on arrival.

Nagsimula na ang mga awtoridad na suriin ang security camera footage upang matukoy at mahuli ang mga suspek.

Inaalam na rin ang motibo sa pananambang. RNT/JGC