Home METRO Negosyante nagbaril sa sarili, patay

Negosyante nagbaril sa sarili, patay

MANILA, Philippines – WINAKASAN ng 51-anyos na negosyante ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril matapos makaranas ng depresyon na may kaugnayan sa kanyang negosyo sa Malabon City.

Natuklasan ang duguang bangkay ng biktimang si alyas “Tony” ng kanilang family driver na si alyas “Nats” sa loob ng stock room ng kanilang tirahan sa Brgy. Concepcion na may tama ng bala sa ulo dakong alas-5:00 ng hapon.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, hawak pa ng biktima ang ginamit na kalibre .22 magnum revolver na may nalalabi pang pitong bala at isang basyo sa chamber na ginamit sa pagpapakamatay.

Inamin umano ng asawa ng biktima sa pulisya na dumaranas ng bahagyang depresyon ang kanyang mister dahil sa kanilang negosyo.

Nakasaad sa report nina P/MSg Mardelio Osting at P/SSg Sandy Bodegon, may hawak ng kaso, na isasailalim pa sa autopsy examination ang bangkay ng biktima upang matiyak na walang foul play sa naganap na insidente. R.A Marquez