MANILA, Philippines – Pinawalang-sala ng Supreme Court si dating Agriculture Secretary Arthur Yap sa kasong graft at malversation kaugnay sa iligal na paggamit ng congressional pork barrel funds mula 2007 hanggang 2009.
Sa 29 pahinang decision ng Supreme Court Third Division, kinatigan nito ang petition for certiorari ni Yap at ibinasura ang apat na criminal cases na isinampa laban sa kanya sa Sandiganbayan Third Division.
Sa rekord ng kaso, taon 2017 sinampaham si Yap ng dalawang bilang ng kasong graft, malversation of public funds at malversation through falsification ng ito ay kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Bunsod ito ng nilagdaan na memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DA at National Agribusiness Corp. (Nabcor) at ang addendum sa paglalabas ng P8 million mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Misamis Occidental Rep. Marina Clarete to Kabuhayan at Kalusugang Alay sa Masa Foundation (KKAMFI).
Bigo ang KKAMFI na ipatupad ang mga proyekto na pinondohan ng PDAF ni Clarete.
Sinabi ng SC na may ‘grave abuse of discretion’ ang Sandiganbayan ng ideklara nito na may sapat na basehan para hatulan si Yap sa mga kaso.
Ang kawalan ng mahahalagang impormasyon sa isinampang kaso laban kay Yap ay kapansin pansin. Hindi rin napatunayan kung bakit siya dapat managot.
Kinatigan ng SC ang argumento ni Yap na hindi maituturing na pagpapabaya sa kanyang parte ng pumirma ito sa MOA sa pagitan ng DA at Nabcor.
Binigyan-diin ng Supreme Court ang inilahad ng Office of the Solicitor General na ipinatupad ang MOA batay sa go signal ni dating Budget Secretary Rolando Andaya Jr. Teresa Tavares