Bulacan – Kalunos-lunos ang isang motorcycle rider na nagkalasog-lasog matapos masagasaan ng 24-wheeler trailer truck sa bayan ng Bocaue.
Kinilala ang kaawa-awang biktimang rider sa alyas “Boy”, 33, vendor, residente ng Brgy. Lolomboy, Bocaue.
Sa report ng Bocaue police, naganap ang insidente bandang 1:58 ng tanghali nitong Mayo 1, sa McArthur Highway, Brgy. Wakas
Ayon sa inisyal na imbestigasyon at CCTV footage, binabagtas ng motorcycle rider lulan ng Yamaha Soul I 125 na nasa outer lane ang northbound direction nang mabunggo ng kasabayang truck na kumanan mula sa inner lane.
Dahil dito, bumagsak ang rider sa kalsada hanggang sa pumailalim at masagasaan ng truck na kanyang agarang ikinamatay.
Nasa kostudiya na ng pulisya ang 31 anyos na truck driver na residente ng Benito Soliven, Isabela para sa tamang disposisyon. Dick Mirasol III