Home NATIONWIDE Rider na walang helmet nabuking sa baril sa Cavite

Rider na walang helmet nabuking sa baril sa Cavite

238
0

MANILA, Philippines – Isang motorcycle rider ang naaresto matapos parahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, subalit nakuhanan ng baril sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng madaling araw.

Ayon sa report, kasong resisting arrest at paglabag sa RA 10591 ang kinakaharap ng suspek na si alyas Ryan ng Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga operatiba ng Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City bandang ala-1:25 ng madaling araw nang namataan nila ang suspek na minamaneho ang kanyang kulay pula na motorsiklong Honda TMX 125 na walang helmet.

Tinangka nilang parahin ang suspek subalit imbes na tumigil, pinaharurot nito ang kanyang motorsiklo dahilan upang magsagawa ng hot pursuit operation ang mga operatiba kung saan nakorner ang suspek subalit pumalag ito at tinangkang itutok ang dalang baril subalit na unahan siya na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa suspek ang isang calibre 9mm Pistol Sarsilmaz K11, isang magazine at tatlong bala. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here