Home METRO Rider todas, 2 sugatan sa araro ng SUV sa Bulacan

Rider todas, 2 sugatan sa araro ng SUV sa Bulacan

257
0

BULACAN, Philippines – Patay ang 42 anyos na motorcycle rider habang dalawa ang sugatan nang salpukin ng SUV sa isang gasolinahan sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong umaga ng Enero 2.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si alyas “Relly”, binata, residente ng Brgy. Panghulo, Malabon City.

Sugatan naman sina alyas Michelle, 24, dalaga, residente ng Brgy. Minuyan at Jocelyn, 36, ng Brgy. Sto, Cristo.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang 8:20 ng umaga sa isang gasolinahan sa Quirino Highway, Brgy. Sto Cristo.

Ayon sa imbestigasyon, nakapila ang biktima na si alyas Relly para magpakarga sa gasolinahan nang biglang salpukin ng rumaragasang Mitsubishi Pajero na umanoy nagkaroon ng mechanical malfunction.

Sinasabing sinubukang magpreno ng driver ng SUV subalit hindi niya ito napahinto kaya nakaladkad ang biktima hanggang pumailalim at sumalpok ito sa konkretong bakod ng gasolinahan.

Nasugatan din sa pag-araro ng SUV ang dalawang babaeng naroroon na kasamang nakapila sa nasabing gasolinahan.

Nabatid na nagbigay agad ng medical attention ang rumespondeng rescue team sa tatlong nabangga bago dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival si alyas Relly na napuruhan matapos kaladkarin at naipit sa ilalim ng nasabing SUV.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Physical Injury at Damage to Property ang suspek na si alyas Lazaro, 69 ng Brgy. Sto. Cristo na boluntaryong sumuko sa mga rumespondeng pulis. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here