Home METRO Rider utas sa poste ng solar

Rider utas sa poste ng solar

LA UNION- Tigok ang isang 23-anyos na lalaki matapos na aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa steel post ng solar sa Brgy. Ballay, Bauang ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ang driver ng Suzuki Raider 150 motorcycle na si Andy Sarmiento y Villaduz, 23, walang asawa, residente ng Brgy. Baraoas Sur, Naguilian, La Union.

Bumibiyahe ang biktima sa Naguilian Road papuntang kanlurang direksyon nang ma-overshot ito sa curve portion ng kalsada.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima hanggang sa bumangga sa poste ng solar ang kanyang motorsiklo.

Nabatid na nagtamo ng severe injuries ang biktima at idineklara itong dead on spot ng  responding Physician na si Dr. Erwin Nonan ng Bauang RHU. Rolando S. Gamoso