Home NATIONWIDE Ridon hinimok sina Romuladez, Co humarap sa Senado

Ridon hinimok sina Romuladez, Co humarap sa Senado

284
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Bicol Saro Partylist Rep. at chairman ng House Committee on Public Accounts Terry Ridon sina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na humarap sa Senado.

Pinanawagan ni Ridon na makabubuting harapin nina Romualdez at Co ang imbestigasyon ng Senado at kontrahin ang akusasyon ni Retired Marine Orly Guteza matapos ideklarang palsipikado ang notaryo ng sworn affidavit nito na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ito ay matapos maglabas ng desisyon si Manila Regional Trial Court Executive Judge Carolina Icasiano Sison na peke ang notaryo ng sworn affidavit ni Guteza na isinimute sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Ayon sa notaryadong testimonya ni Guteza, siya ay kasama na nagdadala ng bilyong-bilyong pera na pawang naka-maleta sa bahay nina Romualdez at Co bilang komisyon sa mga maanomalyang flood control projects ng gobyerno.

Ani Ridon ang desisyon ng korte sa pekeng notario ng sinumpaang salaysay ni Guteza ay nagpahina ng posisyon nito bilang testigo at mahaharap pa ito sa kasong pagpapalsipika ng dokumento.

Binigyang diin pa ni Ridon na ang mga legislative inquiries ng Senado at Kamara ay nakadepende sa authenticity ng mga dokumento kaya kung ang mga ito ay palsipikado para manipulahin ang investigation proceedings hindi lamang ito maituturing na pag-atake sa sinomang inaakusahan kundi sa buong Kongreso. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here