Home ENTERTAINMENT Riku ng NCT Wish, balik-aktibidad na matapos ang 4 months hiatus

Riku ng NCT Wish, balik-aktibidad na matapos ang 4 months hiatus

SOUTH KOREA – Inanunsyo ng SM Entertainment nitong Lunes, Pebrero 3, na balik na sa mga aktibidad ang NCT Wish member na si Riku.

Ito ay matapos ang apat na buwan nitong hiatus dahil sa health issues.

Sa pahayag ng SM Entertainment, sinabi nito na bumuti na ang lagay ng kalusugan ni Riku.

Pumayag na rin umano ang medical professionals na bumalik ang NCT member sa mga aktibidad nito.

Magsisimulang makasama si Riku sa mga aktibidad ng grupo sa Marso, partikular na sa
‘2025 NCT WISH ASIA TOUR LOG in.’

Lalahok na rin ito sa produksyon ng bagong album, na nakatakdang ilabas ngayong taon. RNT/Josh Castro