MANILA, Philippines – Umani ng atensyon kamakailan ang lipstick ni Senadora Risa Hontiveros matapos mabatid na ito ay mumurahin lamang.
Ayon sa ulat ng Preview.ph, ang lipstick na gamit ng senadora ay nagkakahalaga lamang ng ₱549.
Ayon sa makeup artist niyang si Jim Ros, pinili ang kombinasyon ng kulay pink at brown upang ipakita ang pagiging simple umano ng senadora.
Nag-trending sa mga online chat ang lipstick ni Hontiveros dahil sa hindi agad pagkupas ng kulay nito kahit matagal siyang nakipagpanayam sa media. Ilang beses na ring nag-post sa social media ang senadora habang nagpapa-make-up, kung saan tinawag itong “Risa Hontiveros School of Editing.”
Samantala, kamakailan ay tinawag ni dating Senador Antonio Trillanes si Hontiveros bilang pinakamalakas na pambato ng oposisyon laban kay Vice President Sara Duterte sa nalalapit na halalan sa 2028. RNT