Home METRO Rizal PNP nagsasagawa ng harana, pagbibigay ng bulaklak sa araw ng mga Puso

Rizal PNP nagsasagawa ng harana, pagbibigay ng bulaklak sa araw ng mga Puso

177
0

ANTIPOLO CITY, RIZAL – Ipinagpatuloy ng Pulisya ng Lalawigan ng Rizal (Rizal PNP) ang kanilang taunang programa ng harana at pagbibigay ng mga regalo kahit pa may pag-ulan ngayong ika-14 ng Pebrero, Araw ng mga Puso.

Pinangunahan ni Police Colonel (PCOL) Eleazar Barber Jr. ang aktibidad sa Sumulong Park kung saan naghatid sila ng saya at “kilig” sa mga nagdaraan. Kasama ang mga miyembro ng Rizal PNP Band na nagsagawa ng pagharana, sumali rin si PLTCOL. Garcia COP ng Antipolo Police station at si PD PCOL Barber sa pagkanta para sa kasiyahan ng mga mamamayan.

Ibinigay din ng mga pulis ang mga bulaklak, tsokolate, at lobo sa mga dumalo at nadatnan sa lugar.

Ito na ang ikatlong taon ng programa ng Rizal PNP. Bukod sa Antipolo City, isinasagawa din ang mga katulad na aktibidad sa iba’t ibang municipal police station sa buong probinsya ng Rizal ngayong araw. (Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here