MANILA, Philippines – Palalawakin ng Department of Transportation (DOTr) ang road clearing operations simula Miyerkules bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holy Week.
Ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez, hindi na lamang mga expressway at Maharlika Highway ang lilinisin, kundi pati na rin ang iba pang pangunahing kalsada tulad ng MacArthur Highway.
Layunin nitong tiyakin na walang sagabal sa mga highway, kabilang ang mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada na itinuturing na delikado.
Ipinag-utos din ng DOTr ang mas mabilis na aksyon mula sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng mga isyu sa mga sasakyan sa kalsada. RNT/MND