Home NATIONWIDE Road rage: 1 sugatan matapos pagbabarilin ng nakagitgitan sa QC

Road rage: 1 sugatan matapos pagbabarilin ng nakagitgitan sa QC

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang indibidwal matapos na pagbabarilin ang isang sasakyan dahil sa panibagong insidente ng road rage matapos ang gitgitan sa kalsada sa Quezon City, nitong Martes ng gabi, Hulyo 2.

Base sa imbestigasyon, dawit sa insidente ang isang sasakyan at isang pickup truck na nagkagitgitan umano sa bandang Welcome Rotonda.

Sa salaysay ng driver ng sasakyan sa pulisya, galing umano siya sa España Boulevard lulan ang apat na kaanak.

Nang masagi ang kanyang side miror, hinabol niya at pinahinto ang pickuo truck at naabutan ito sa may bandang Banawe.

Dito na niya kinuhanan ng litrato ang sasakyan pero bigla itong kumaripas. Para tignan ang sira ng sasakyan, bumaba ang mga ito pero bumalik umano ang pickup at dito na sila pinagbabaril.

Sapul naman sa paa ang isa sa lulan ng sasakyan.

Tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye ang Galas Police Station tungkol sa insidente, habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Hawak na ng pulisya ang CCTV mula sa Barangay Doña Josefa, na nakakasakop sa lugar ng pinangyarihan ng krimen, para sa backtracking. Santi Celario