Home NATIONWIDE Robredo pinatatakbong senador sa 2025

Robredo pinatatakbong senador sa 2025

MANILA, Philippines – Hinimok ng grupo ng mga manggagawa si dating Vice President Leni Robredo na irekonsidera ang desisyon na huwag tumakbo sa anumang pwesto sa national government para sa 2025 elections.

“Leni needs to reconsider her decision. The nation needs her in this challenging time. She is the beacon of hope for the opposition and the people in the periphery,” saad sa pahayag ni Federation of Free Workers (FFW) Women’s Network (FWN) Ma. Victoria Bellosillo na inilabas nitong Sabado, Hunyo 22.

Ang panawagan ng grupo ay isang araw matapos sabihin ni Robredo na hindi siya tatakbo sa senatorial seat sa susunod na taon.

“Sinarado ko na … kaya nagpaalam na ako sa LP (Liberal Party)…kaya ako nagpaalam sa LP na hindi na ako tatakbo sa Senado,” ayon kay Robredo nang tanungin kung ikinokonsidera niya ba ang pagtakbo sa Senado sa 2025.

Ani Robredo, mas nakikita niyang posibilidad ay ang pagtakbo bilang mayor ng Naga City.

“Sinabi ko na ang preference ko ay tatakbo akong alkalde ng Naga,” dagdag ni Robredo.

Sa kabila nito, iginiit ng FFW na ang liderato ni Robredo ay magkakaroon ng higit na epekto sa national level.

“Baka naman pwede pa buksan ang pinto para sa Senado. May liderato siya at integridad na kinakailangan ng bansa,” ayon kay FWN vice president Arta Maines.

“She can ignite the imagination of our people and propel change for the better,” dagdag pa ni Maines.

Samantala, sinabi ng LP na iginagalang nila ng desisyon ni Robredo.

“Hangad namin ang kanyang tagumpay at pamamayagpag, anuman ang tahakin niyang direksiyon. Lagi namin siyang titingalain,” saad sa hiwalay na pahayag ng LP.

“The Liberal Party stands behind former Vice President Robredo and wishes her the very best in her future endeavors,” dagdag pa ng LP.

Bago nagging bise president ng Pilipinas, si Robredo ay nagsilbi bilang 3rd district representative ng Camarines Sur mula 2013 hanggang 2016.

Tumakbo siya sa pagka-Pangulo noong 2022 elections ngunit natalo kay Ferdinand Marcos Jr. RNT/JGC