Home METRO ‘Rocket debris’ ng Tsina narekober sa Ilocos Norte sa gitna ng hagupit...

‘Rocket debris’ ng Tsina narekober sa Ilocos Norte sa gitna ng hagupit ni Uwan – PCG

345
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Isang umano’y rocket debris na may markang Chinese ang nakuha sa baybayin ng Barangay Saoit, Burgos, Ilocos Norte sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan nitong Linggo, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

“At the time of the discovery, personnel from the Coast Guard Sub-Station (CGSS) Burgos were conducting mobile and foot patrol operations as part of their ‘Paalala sa Mangingisda sa Panahon ng Bagyo’ information drive in light of Super Typhoon Uwan,” ayon sa PCG.

“During said patrol, the team sighted suspicious debris believed to be rocket parts that had drifted ashore,” dagdag nito.

Sinabi ng PCG na alas-9:30 ng umaga ay nakipag-ugnayan ang CGSS Burgos sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa ligtas na pagrekober at paghawak ng bagay.

Kasunod ng pagkadiskubre ng mga pinaghihinalaang rocket debris, sinabi ng Coast Guard na nagbigay ang mga awtoridad ng mga payo sa kaligtasan sa mga lokal na mangingisda at mga kalapit na residente.

Hinimok nila ang mga lokal na panatilihin ang isang ligtas na distansya mula sa diumano’y mga rocket debris habang nagsasagawa ng assessment at validation ang mga awtoridad.

Noong Nobyembre 3, binalaan ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang publiko sa hilagang Luzon tungkol sa posibleng mga debris mula sa isang rocket na inilunsad ng China.

Ang mga labi mula sa Long March 7A rocket ay inaasahang bababa ng humigit-kumulang 67 nautical miles (NM) ang layo mula sa Dalapuri Island, Cagayan, 44 NM ang layo mula sa Burgos, Ilocos Norte, 75 NM ang layo mula sa Camiguin Norte, Cagayan, at 63 NM ang layo mula sa Santa Ana, Cagayan.

Ang Long March 7A rocket ay inilunsad mula sa Wenchang Space Launch Site sa Wenchang, Hainan bandang 11:47 a.m. (oras sa Pilipinas) noong Nobyembre 3, ayon sa PhilSA. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here