MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na handa siyang harapin ang posibleng kaso ng plunder, graft, at indirect bribery mula sa Office of the Ombudsman, batay sa rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kaugnay ito ng kontrobersiya sa flood control projects at kasali rin si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Binigyang-diin ni Romualdez ang kanyang kahandaan na makipagtulungan sa ICI, at binanggit na dati na siyang sumipot sa komisyon nang siya’y ipatawag.
Aminado ang kanyang kampo na nagulat sa bagong development, lalo na nang i-anunsyo ito ni Pangulong Marcos sa social media.
Alaala niya na noong nakaraang linggo, binanggit ni Marcos ang kakulangan ng ebidensya laban sa kanya—na pinsan niya—ukol sa diumano’y anomalya sa flood mitigation projects at budget insertions. Ipinahayag ni Romualdez ang pag-asa sa isang makatarungang imbestigasyon. RNT