Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, apektado sa kaso sa skin care!

Rufa Mae, apektado sa kaso sa skin care!

199
0

California, USA – Gaya ng alam ng lahat ay naglabas na nga ng official statement si Rufa Mae Quinto hinggil sa ibinabatong akusasyon laban sa kanya kaugnay ng umano’y investment scam ng isang beauty clinic.

Idinawit ang komedyana sa mga kasong paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang Securities Regulation Code, tulad din ng kinakaharap na kaso ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda.

Apektadong-apektado si Rufa Mae, dahil hindi niya akalaing masasangkot siya sa kasong wala siyang kinalaman, lalupa’t tumalbog din umano ang mga tsekeng ibinayad sa kanya bilang endorser ng Dermacare.

Hindi rin umano nanghingi ng pera si Rufa Mae mula sa mga nagdemanda sa kanya dahil hanggang sa pagiging celebrity endorser lamang ng Dermacare ang partisipasyon niya.

Nadamay lamang umano ang aktres dahil isa nga siya sa mga celebrity endorsers ng nasabing beauty clinic

Narito ang ilan sa mga pahayag ni Rufa sa kanyang official statement na inilabas, “I have no connection whatsoever to any fraudulent activity and I categorically deny these baseless accusations. If anything, I am also a victim and I am determined to seek justice.”

Ipinagdiinan pa niya na pinaghirapan niya nang todo ang kanyang career at ginawa ang lahat para mapanatiling malinis ang kanyang pangalan.

“As a public figure, I have always demonstrated my professionalism, transparency, and respect for the people and brands I work with.

“It is dejecting to see my name being dragged through the mud, but I remain steadfast and confident that the truth will soon prevail,” aniya pa.

Nangako rin siya na haharapin ang lahat ng akusasyon sa kanya, “I will cooperate fully with the authorities and face this issue through the proper legal forum. Rest assured, I will fight for my name and reputation.

“To those who have extended their love and support, I am grateful. Let us allow justice to take its course, and I humbly ask for your patience and understanding as the truth unfolds,” mensahe pa ni Rufa Mae. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here