Home ENTERTAINMENT Rufa Mae at Pacman, sabit sa kaso ni Neri?

Rufa Mae at Pacman, sabit sa kaso ni Neri?

179
0

Manila, Philippines – Patanong na nais malaman ng mga netizens kung ano raw ba ang posibleng repercussions o masamang epekto ng pagkakasangkot ni Neri Naig sa kasong kinakaharap nito.

Si Neri ang binansagang “wais na misis” ni Chito Miranda.

Madiskarte kasi ito sa mga negosyong itinayo niya.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong syndicated estafa si Neri.

May kinalaman ito sa kanyang kunek sa Dermacare of which she is one of the endorsers.

Non-bailable ang nasabing offense.

Balita ring sa bilangguan mananatili ang naaresto nang si Neri pending her arraignment scheduled in January next year.

Hindi tuloy maiwasang itanong ng mga netizens kung sabit din ba sina Rufa Mae Quinto at Manny Pacquiao.

Tulad ni Neri, endorser din ang Kapuso comedienne.

Si Manny naman ay franchisee ng Dermacare.

Samantala, naninindigan ang kampo ni Neri na kahit isang tseke mula sa mga investor nito’y wala sa kanyang pag-ingat.

Lahat daw ng pera ay nasa kamay ng may-ari ng Dermacare na si Chanda Atienza.

Nakatagpo naman ng kakampi si Neri sa dating senador na si Kiko Pangilinan, na iginigiit na endorser lamang ito.

Ayon naman sa mister nitong si Chito, napakabait ng kanyang asawa, mapagkawanggawa at hindi isang manlolokong tao.

Meanwhile, tinalakay nina Pat P. Daza at Ali Sotto sa programa nilang Ano Sa Palagay N’yo sa Net25 ang kaso ukol sa pag-eendorso ng mga ito.

Okey lang daw i-promote ang produkto sa paraang hina-highlight ng endorser o brand ambassador ang mga benepisyo nito.

Pero ibang usapan na raw kapag ang isang endorser ay mangumbinsi ng mga tao na mag-invest dito.

Tila dito raw nag-ugat ang problema ni Neri, na ang kaso’y hindi rin nalalayo sa kinaharap noon ni Ricardo Cepeda. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here