Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, bumawi sa P1M na ibinigay ni Kuya Wil!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rufa Mae, bumawi sa P1M na ibinigay ni Kuya Wil!January 17, 2025 14:24 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Sa mga ‘di inaasahang lugar pa nangyayari ang magagandang bagay.Hindi akalain ni Rufa Mae Quinto na magiging providential ang aksidenteng pagkikita nila ni Willie Revillame.Nangyari ang kanilang chance meeting sa isang resto.Kuwento mismo ng host ng Wil to Win, nagkataong kasama niya ang kanyang anak na kumakain sa isang resto.Tamang-tama daw na naispatan niya doon ang sexy comedienne.What followed next ay catching up tsikahan.Doon nga naikuwento ni Rufa Mae na kinailangan niyang bumalik sa bansa mula sa US para harapin ang 19 counts ng estafa na isinampa laban sa kanya.Mahigit isang milyong piso rin ang piyansa ni Rufa Mae.Moved by her story, ang sumunod na eksena ay ang inaasahan nang act of generosity ni Willie.Tumataginting na P1M ang lumagapak sa palad ni Rufa Mae bilang tulong ni Wilie.Bilang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat ay nagsadya si Rufa Mae sa Wil to Win.Inakala tuloy ng mga viewers na bahagi na siya ng programa, samantalang isa sa mga hurado si Rufa Mae ng Lokalike segment ng It’s Showtime.Ipinaliwanag ng komedyana that she found time to visit Willie dahil out on bail nga siya.Sinamantala na rin ni Rufa Mae ang pagkakataon para maitawid ang kanyang pasasalamat.Pag-a-announce nga niya: “Thank you, Kuya Wil, for making me happy…thank you for the help, help, hooray!”Maasahan kaya si Rufa Mae na ikampanya si Willie sa mga darating na araw?Dapat lang, ‘no! Ronnoe Carrasco IiI