Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, ginunita 10th anniv ng yumaong asawa!

Rufa Mae, ginunita 10th anniv ng yumaong asawa!

195
0

Manila, Philippines – Hindi napigilang magsenti ni Rufa Mae Quinto as she looked back on her supposed 10th anniversary with her late hubby Trevor Magallanes.

On her Instagram account, ibinahagi ng sexy comedienne ang kanyang madamdaming mensahe para kay Trevor.

Itong January 2026, she and Trevor would have marked their 10th year.

Nagbalik-tanaw si Rufa Mae kung gaano kabilis namuo ang kanilang love story.

She also thanked Trevor for giving her only child Athena.

Post niya patungkol sa mga litrato nilang pamilya: “Memories kung paano ko ipinanganak at inalagaan si Athena. Hands on and wala po kaming yaya. Kami lang mag-asawa ang nag-alaga, nagpalaki…”

This is the reason daw why she found it difficult to return to showbiz.

Nanibago daw kasi si Rufa Mae as back in the US ay naging ordinaryong tao siya.

“Happy anniversary! Naging kami po January 9, 2016 bago ako umuwi ng Pinas pero bumalik din ako noong January 13, 2016 sa Amerika para magpakasal at hindi na kami naghiwalay mula noon…ganoon kadali, kagaan at kabilis ang lahat!” psgbabalik-tanaw niya.

Athena reminds Rufa of Trevor so much.

Kuhang-kuha raw ng anak ang mga mata ng asawa, ugali, tawa, mukha, ngiti, magsalita, kamay, kuko, boses at lahat-lahat na.

Emote pa ni Rufa Mae: “We miss you physically pero alam namin na kasama ka namin parati. Nandiyan ka lang watching our daughter!”

Humiling ang komedyana na patuloy sana siyang alalayan ni Trevor para palakihin si Athena na masaya, mabait, matalino, cute, funny, healthy, wealthy: “Go, go, go!”

Binati na rin niya si Trevor ng “advance” sa mga okasyong darating.

July 2025 nang pumanaw si Trevor sa US pero hiwalay man sila that time ay hindi sila divorced.

September last year when Rufa Mae returned to the country para sumabak uli sa trabaho. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here