Home ENTERTAINMENT Ruffa, umamin sa real score nila ni Bistek!

Ruffa, umamin sa real score nila ni Bistek!

Manila, Philippines – Ilang taon ding nakuhang ilihim ni Ruffa Gutierrez ang real score sa kanila ni Herbert Bautista.

Bagama’t halata namang may “something” sa kanilang pagitan, despite incessant proddings ay hindi napilit si Ruffa na gumawa ng pag-amin.

Pero eto na nga, makalipas ng maraming taon ay inamin na rin ng dating beauty queen ang tungkol sa kanila ni Herbert.

Ruffa’s public confession came days before her 50th birthday on June 24.

Una munang kinapanayam ni Karen Davila ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice.

Lorin and Venice are Ruffa’s daughters by former Turkish husband Ylmaz Bektas.

Tanong ni Karen sa dalawa kung ano ang kanilang nais para sa ina.

Ani Lorin: “I don’t want anything specific for her.”

Ang gusto lang daw ng eldest child ni Ruffa is to see her mom happy.

Sinegundahan naman ito ni Venice na inilarawan muna ang lalaking nagpapaligaya sa kanyang ina.

Ani Venice: “He suits her well, and she’s very ecstatic about him!”

Maaalalang nagka-developan sina Ruffa at Herbert nang magsama sa pelikulang House Arrest of Us tampok ang tambalang KathNiel noong 2020.

Ayon naman kay Ruffa: “A quiet personal life leads to more happiness.”

Ito’y para bigyang katwiran ang kanilang low-key relationship ni Herbert.

Pero hindi naman daw ibig sabihin niyon ay hindi isang seryosong relasyon ang sa kanila.

Giit ni Ruffa, never daw siyang nakipagrelasyon ng ‘di seryoso.

Ikinuwento pa ni Ruffa ang kanilang first date ni Herbert around Christmas time kung saan nag-insist ang huli na isama ng aktres sina Lorin at Venice.

Thankful din si Ruffa as it was Herbert who was instrumental in the pursuit of her studies sa kolehiyo.

Nagsilbi raw kasing inspirasyon niya ang dating Quezon City mayor. Ronnie Carrasco III