Home ENTERTAINMENT Ruru, kalaban ni Dennis sa Best Actor sa Urian!

Ruru, kalaban ni Dennis sa Best Actor sa Urian!

328
0

Manila, Philippines – Wagi si Ruru Madrid nang ma-nominate siya bilang Best Supporting Actor sa MMFF 2024, at sa The 8th Eddys para sa mahusay niyang pagganap sa Green Bones.

Na-nominate din siya sa 73rd FAMAS for Best Supporting Actor para rin sa nasabing pelikula, ‘yun nga lang, hindi siya pinalad  na magwagi.

Sa darating na Gawad Urian na gaganapin sa October 11, nominado si Ruru para rin sa Green Bones. Pero hindi sa Best Supporting Actor kundi sa Best Actor category.

Para sa Urian, sa mata nila, gaya ni Dennis ay bida rin si Ruru sa Green Bones.

Isa si Dennis sa mga kalaban ni Ruru sa Best Actor category.

Sabi ni Ruru sa kanyang nominasyon sa Gawad Urian, “Para sa akin, isang napakalaking biyaya at karangalan na maging nominado bilang Best Actor sa Gawad Urian.

“Lumaki akong humahanga sa mga haligi ng  industriya tulad ni Kuya Dennis Trillo.

“Kaya napaka-surreal na ngayong pagkakataon na magkatapat kami sa parehong kategorya.

“Hindi ko ito tinitingnan bilang kompetisyon, kundi bilang inspirasyon.

“Patunay ito na kahit nagsimula ako bilang underdog, sa sipag, panalangin at tiwala sa proseso, posible pala na makarating ka sa antas na dati ay pinapangarap mo lang.” Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here