Home NATIONWIDE Russia nagbabala sa US, SoKor at Japan sa pagtarget sa NoKor

Russia nagbabala sa US, SoKor at Japan sa pagtarget sa NoKor

231
0

RUSSIA – Nagbabala ang foreign minister ng Russia nitong Sabado, Hulyo 12, sa US, South Korea, at Japan laban sa pagbuo ng security partnership target ang North Korea kasabay ng pagbisita nito sa ka-alyadong bansa para pag-usapan ang pagpapalakas ng military at iba pang kooperasyon.

Nitong Biyernes ay lumipad si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov patungong Wonsan City sa North Korea para makipagpulong sa North Korean counterpart nitong si Choe Son Hui.

Matapos ang pagpupulong kasama si Choe nitong Sabado, inakusahan ni Lavrov ang US, South Korea at Japan sa tinawag niyang military buildups sa paligid ng North Korea.

“We warn against exploiting these ties to build alliances directed against anyone, including North Korea and, of course, Russia,” aniya.

Matatandaan na ibinabalik ng US, South Korea at Japan ang trilateral military exercises nito bilang tugon sa umuunlad na nuclear program ng North Korea.

Noong Biyernes, nagsagawa ng joint air drill ang tatlong bansa gamit ang US nuclear-capable bombers malapit sa Korean Peninsula, kasabay ng pagkikita ng top military officers ng mga ito sa Seoul.

Hinimok din ng mga ito ang North Korea na itigil na ang mga ‘unlawful’ activity na nagsisilbing banta sa regional security.

Ani Lavrov, naiintindihan ng Russia ang desisyon ng North Korea na gumawa ng nuclear weapons.

“The technologies used by North Korea are the result of the work of its own scientists. We respect North Korea’s aspirations and understand the reasons why it is pursuing a nuclear development,” sinabi ni Lavrov.

Sa kanilang pagpupulong, iginiit ni Choe na sinusuportahan ng North Korea ang laban ng Russia sa Ukraine.

Inilarawan niya ang ugnayan ng North Korea at Russia bilang “the invincible alliance.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here