Home NATIONWIDE Sa gitna ng isyu sa flood control projects, sektor ng kalusugan, buhusan...

Sa gitna ng isyu sa flood control projects, sektor ng kalusugan, buhusan din ng pondo – Go

369
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senate Committee on Health Chairperson Senator Bong Go na dapat ding buhusan ng sapat na pondo ang sektor ng kalusugan sa gitna ng isyung kinakaharap ng pamahalaan kaugnay ng flood control projects.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y anomalya sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), binigyang-diin ni Go ang kakulangan ng pondo sa kalusugan, partikular na sa Philippine General Hospital (PGH), kung saan umaapaw ang bilang ng mga pasyente.

“Sa loob ng PGH, problema ang dagsa ng pasyente. Sa labas naman nito, baha ang problema. Bakit tila hindi prayoridad ang budget para sa kalusugan ng bawat Pilipino, pero triple naman ang inilaan sa ilang infrastructure projects?” tanong ng senador.

Ayon kay Go, mas makabubuti kung itutuon ang pondo sa mga programang direktang makikinabang ang taumbayan, tulad ng medical assistance, modernisasyon ng mga ospital, at pagpapalakas ng benepisyo mula sa PhilHealth.

Kaugnay nito, binanggit din ni Go na siya ang co-author ng panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pagpasok ng mga kamag-anak ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga government projects upang maiwasan ang nepotismo at katiwalian. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here