Home ENTERTAINMENT Sachzna, sinagot si Angelica, ‘di intresado sa Ms. Flawless!

Sachzna, sinagot si Angelica, ‘di intresado sa Ms. Flawless!

2
0

Manila, Philippines – Binasag ng digital creator at businesswoman na si Sachzna Laparan ang kanyang katahimikan hinggil sa titulong “Miss Flawless” sa pagitan nila ng dating aktres na si Angelica Jones.

Sa pamamagitan ng isang clip, nilinaw niya na na walang katotohanan na hindi sila nagpaalam nang gamitin nila ang “Miss Flawless” song at title na ni-revive nila nina Flow G at Bosx1ne noong 2019 taliwas sa claim ni Jones sa isang panayam.

Sey niya, hindi man siya personal na nakipag-usap ay mayroon siyang team na nakipag-ugnayan at nagpaalam on her behalf noong 2019.

Bukod pa rito, humingi raw sila ng permiso sa composer ng kanta na si Lito Camo na siyang naging instrumento para ituloy nila ang shooting para sa kanta.

Dagdag pa niya, kinontak daw nila para sana mag-shoot si Angelica sa music video pero for some reasons ay hindi nagtugma ang kanilang sked dahil naging busy ito sa anak at pulitika.

Pagbabahagi pa niya, noong una raw ay nasa plano na kasama sa MTV si Angelica pero hindi ito nag-materialize.

Aniya, malaki raw ang respeto niya sa mga taong involved at hindi niya intensyon ang mang-away.

Klinaro rin ni Sachzna ang isyu sa hindi niya pagbati umano kay Angelica sa isang event. Naging awkward na raw kasi dahil paulit-ulit na ang issues for 6 years lalo na iyong ibinabato sa kanya.

Dumating din daw siya sa punto na feeling niya ay nabu-bully siya.

Sa kabila ng lahat, humingi siya ng paumanhin kay Angelica.

Hirit pa niya, hindi na rin daw niya hangad na i-embrace ang bansag na “Ms. Flawless” for her peace of mind.

Sinagot din ng nanay ni Sachzna na si Christine Laparan Policarpio ang sentimyento ni Angelica tungkol sa kantang pinasikat nito noon.

Aniya, dumaan daw sa tamang proseso ang lahat.

Mismong ang direktor daw nila ang personal na nakipag-usap kina Angelica upang ipaalam ang proyekto at maging bahagi ng music video.

Dalawang beses din daw nilang pinuntahan si Lito Camo para humingi ng permiso.

Katunayan may mga resibo raw silang makapagpapatunay ukol dito.

Giit pa niya, wala raw silang kinita sa nasabing Ms. Flawless video na hindi naman kasama sa Spotify o YouTube ng anak niya.

Sa madaling salita, hindi nila pinagkakitaan si Angelica.

Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Angelica hinggil sa isyu. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here