Bulacan – Arestado ang isang mister na umano’y sadista, manyakis at wanted sa batas sa mabilisang operasyon ng pulisya sa bayan ng San Miguel nitong Agosto 9
Sa report ng pulisya, kinilala ang suspek na si alyas ‘Boy’, 28, residente ng Brgy. Sibul.
Ayon sa report, isang sumbong ang nakarating sa pulisya na tinatakot umano ng baril ng suspek ang kanyang misis.
Nang makarating ang impormasyon sa San Miguel police station ay agad rumesponde ang kanilang mga tauhan sa lugar kaya nahuli ang suspek at narekober ang improvised handgun na may tatlong bala.
Napag-alamang ng pulisya na ang suspek ay may outstanding warrant of arrest sa kasong Statutory Rape mula sa lungsod San Jose Del Monte.
Humihimas na ng rehas ang sadista at manyakis na mister sa nasabing istasyon. Dick Mirasol III