Home METRO Sahod sa Central Luzon, tataas sa Abril 16

Sahod sa Central Luzon, tataas sa Abril 16

111
0

PAMPANGA, Philippines – Magsisimula nang matanggap ng mga manggagawa sa Central Luzon ang ikalawang bahagi ng umento sa sahod sa Huwebes, Abril 16, batay sa ipinatupad na wage order noong nakaraang taon.

Sa ilalim ng Wage Order No. RBIII-26 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board III (RTWPB-3) na inilabas noong Setyembre 16, 2025, may kabuuang umento na P50 hanggang P80 para sa mga manggagawa sa pribadong sektor na ipatutupad sa dalawang bahagi.

Ang unang tranche na P20 hanggang P40 ay ipinatupad noong Oktubre 30, 2025, habang ang natitirang P30 hanggang P40 ay ibibigay simula Abril 16.

Sa bagong sahod, ang mga manggagawa sa nonagricultural sector sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales ay tatanggap ng P600 kada araw mula sa dating P570. Sa agricultural sector, magiging P570 mula P540, habang sa retail at service sector ay P590 mula P570.

Sa Aurora naman, ang nonagricultural workers ay magiging P560 kada araw mula P530, habang ang agricultural at retail/service sectors ay magiging P545 mula P515 at P515 mula P475, ayon sa pagkakasunod.

Ayon sa RTWPB-3, ang umento ay batay sa consumer price index, poverty threshold, at 6.5% na paglago ng ekonomiya sa rehiyon.

Sinabi rin ng ahensya na layunin ng wage order na balansehin ang interes ng mga manggagawa at employers, isinasaalang-alang ang kakayahan ng negosyo at antas ng produktibidad sa rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here