Home HOME BANNER STORY Saksi sa pagkawala ni Camilon gustong umurong sa kaso – PNP

Saksi sa pagkawala ni Camilon gustong umurong sa kaso – PNP

251
0

MANILA, Philippines – Umatras ang kaibigan ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon na nagsisilbing witness sa kaso dahil umano sa takot, ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo.

Ani Fajardo, nagdadalawang-isip ang saksi ngunit siniguro naman ng PNP ang proteksyon sa kanya sa paggiit ng kahalagahan ng kaso.

Siya ang huling nakausap ni Camilon at may nalalaman sa “special relationship” ng beauty queen at ni dismissed Police Major Allan De Castro, na main suspect sa kaso.

“Yes, we received information that Ms. Camilon’s friend is feeling apprehensive because she’s afraid for her security and safety. So I discussed it with the PNP chief, and what the PNP wants to convey to her is that we can assure her of protection. She shouldn’t hesitate,” sinabi pa ni Fajardo.

“She shouldn’t have second thoughts because our intention is to give justice to the disappearance of her friend,” dagdag pa ng opisyal.

Noong Enero 2024, sinibak sa serbisyo si Castro matapos mapag-alamang guilty of conduct unbecoming of a police officer.

Ang dismissal ay sinundan ng serye ng imbestigasyon ng Calabarzon Regional Internal Affairs Service, na nakakita ng ebidensya ng extramarital affair sa pagitan ni De Castro at Camilon.

Si De Castro ang iniulat na nakatakdang kitain sana ni Camilon nang mawala ito noong Oktubre 12, 2023.

Ang kanyang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay, ang isa sa tatlong lalaki na nakitang naglilipat ng katawan ni Camilon mula sa kanyang sasakyan patungo sa isa pang sasakyan.

Inihain na ang kasong kidnapping at serious illegal detention laban sa mga suspek matapos na marekober ng mga miyembro ng PRO 4-A Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang abandonadong sasakyan na tugma sa description ng witness, sa isang bakanteng lote malapit sa Dumuclay Road at Star Tollway sa Barangay Pallocan East noong Nobyembre 9, 2023.

Ang sasakyan ay dinala sa Camp General Miguel C. Malvar in Batangas City para sa forensic examination.

Kalaunan ay nakumpirma sa pagsusuri na ang DNA mula sa buhok na narekober sa pulang Honda CR-V ay tugma sa DNA ng magulang ni Camilon.

Sina De Castro at Magpantay ay naaresto noong Setyembre 14, 2024 sa Barangay Caloocan, Balayan, Batangas province. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here