Home NATIONWIDE Sakura tree sa Baguio, namukadkad na matapos 7 taon

Sakura tree sa Baguio, namukadkad na matapos 7 taon

220
0

MANILA, Philippines – Matapos ang pitong taon, namukadkad na ang isang sakura tree sa Baguio Country Club (BCC).

Ayon sa isang post ng BCC sa Facebook, lumitaw ang marikit nitong bulaklak matapos ang “pitong taon ng maingat na pag-aalaga,” na tinulungan ng malamig na klima ng Baguio na angkop para sa paglago ng sakura.

Inilarawan ang unang pamumulaklak bilang “tunay na patunay ng pagtitiyaga, dedikasyon, at panahon.”

Ang puno ay bahagi ng grupo ng sakura na idinulot sa BCC nina Japanese nationals Shinji Okomora at Shingeru Tsunashima, kasama si BCC member Paz Suzuki noong 2018 at 2019.

Bagama’t laganap ang sakura sa Japan na karaniwang namumulaklak mula huling bahagi ng Marso hanggang unang bahagi ng Abril, sinabi ng mga eksperto na posible ring tumubo ang mga cherry blossom sa malamig na lugar sa Pilipinas, bagaman maaaring hindi kasingdami ang pamumulaklak. Mary Ann Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here