Home METRO Salvage victim itinapon sa highway sa Quezon

Salvage victim itinapon sa highway sa Quezon

MANILA, Philippines – Natagpuan sa gilid ng highway sa Sariaya, Quezon nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 28 ang bangkay ng isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution.

Sa ulat ng Quezon PNP, ang bangkay ay nadiskubre ng mga dumadaan sa highway.

Tinatayang nasa 35-45 anyos ang edad ng lalaki na nakabulagta sa gilid ng Eco-Tourism road sa Brgy Castañas alas-9 ng gabi.

Nakagapos ang kamay nito gamit ang nylon cord at may mga tama ng bala ng baril sa likod.

Ayon sa pulisya at sa mga residente, hindi residente ng naturang lugar ang biktima at pinaniniwalaang pinatay sa ibang lugar saka itinapon doon.

Nagiging tapunan ng mga biktima ng summary execution ang nasabing lugar na malapit sa boundary ng Sariaya, Quezon at Lucena City.

Sa nakalipas na mga taon ay hindi bababa sa limang biktima ang itinapon doon. RNT/JGC