Home ENTERTAINMENT Sam, pakakasalan si Rhian after polls!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sam, pakakasalan si Rhian after polls!March 19, 2025 12:12 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Kasado na: pakakasalan ng mayoral candidate ng Maynila na si Sam Versoza ang nobya niyang si Rhian Ramos.Ang tanong–kelan?Ang tugon mismo ni Sam: pagkatapos ng mid-term elections!Sa May 12 itinakda ang halalan.Given the preparations and all, hindi naman immediately after election day ay magpapakasal sila.May posibilidad na June bride pa nga ang Kapuso actress who’s hosting Where in Manila bilang pansamantalang replacement ni Sam.Eh, paano kung palarin si Sam sa araw ng halalan?Eh, ‘di doble ang dahilan ng pagbubunyi ng couple!Wala na ngang pag-aalangan si SV na si Rhian ang ihaharap niya sa dambana.Marami palang endearing qualities ang “sexiest baker.”Isa na rito ang pagiging mahusay sa paghawak ng pera.Bukod dito’y hindi kagaya ng karamihang female celebs si Rhian na maluho ang lifestyle.Alam n’yo ba that Rhian isn’t a sucker for designer bags?Kay Rhian nga raw natutong mamuhay nang simple si Sam.Truly “City of Manila’s First Lady” to be proud of! Ronnie Carrasco III