Home METRO San Roque dam magpapakawala ng tubig; mga bayan sa Pangasinan, binalaan

San Roque dam magpapakawala ng tubig; mga bayan sa Pangasinan, binalaan

290
0

MANILA, Philippines – Nag-abiso ang National Power Corp. (NPC) sa mga bayan sa Pangasinan tungkol sa posibleng pagpapakawala ng tubig mula sa San Roque Dam, na umabot na sa 273.08 metro ang taas ng tubig nitong Martes ng hapon.

Maaaring magbukas ng isang gate ang dam sa Miyerkules kung magpapatuloy ang pag-ulan, ngunit inaasahang maliit lamang ang epekto sa mga ilog.

Pinayuhan ng NPC ang mga lokal na pamahalaan sa 11 bayan na agad ipaalam ito sa mga residente, lalo na sa mga nakatira malapit sa ilog.

Patuloy pa rin ang pagbaha sa ilang lugar dulot ng mga nagdaang pag-ulan at epekto ng habagat. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here