Home NATIONWIDE San Roque Dam patuloy na nagpapakawala ng tubig

San Roque Dam patuloy na nagpapakawala ng tubig

MANILA, Philippines – Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang San Roque Dam sa Pangasinan, sa pamamagitan ng kalahating metrong spillway opening nito, ngayong Biyernes, Oktubre 25.

Ang pagpapakawala ng tubig ay may bilis na 68 cubic meters per second (cms).

Sinabi ni Tommy Valdez, vice president for corporate responsibility sa National Power Corporation (NPC), na wala pang abiso kung kalian isasara ang mga gate, dahil tuloy-tuloy pa rin ang mga pag-ulan dulot ng Severe Tropical Storm Kristine.

Sa record ng NPC hanggang nitong alas-8 ng umaga, ang lebel ng tubig sa San Roque Dam ay nasa 276.83 meters above sea level, o mas mababa lamang ng tatlong metro sa spilling level nito na 280 masl.

Nakatatanggap ng sobrang tubig ang naturang dam mula sa Binga Dam, na mayroong bukas na anim na gate na may outflow na 352.92 cms.

Ang Binga Dam, ay nakakatanggap naman ng tubig mula sa Ambuklao Dam, na may bukas na apat na gate na tig-kalahating metro bawat isa. Nagpapakawala ito ng tubig sa bilis na 259.72 cms. RNT/JGC