Home ENTERTAINMENT ‘Sang Linggong Serbisyo, programa ni Papin sa PCSO!

‘Sang Linggong Serbisyo, programa ni Papin sa PCSO!

Manila, Philippines – Nakipagkita ang veteran OPM singer na si Imelda Papin sa  entertainment press to share details on her new role as an acting member of the Board of Directors of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Blessing ‘yan sa akin. Kapag may dumarating na blessing, huwag mong tanggihan para ipakita mo ang puso mo,” sabi niya.

“Siguro inisip ni Presidente na kaya kong gampanan ang position. I’ve been doing this. Kahit noon pa, talagang gusto kong tumulong sa ating mga kababayan. Since naging bise gobernador ako, ‘yun na talaga ang aking ginagawa.”

Inalala ni Imelda ang moment when she got the call, “Natuwa ako. Napaiyak ako. Sabi ko, ‘Thank you, Lord. What a blessing.’ Maipagpapatuloy ko ‘yung pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong. This is my payback time.”

Nang tinanong ang kanyang job description, sinabi niya, “Lima kaming directors diyan including the chairman and general manager. Lahat ng programs na ilalabas namin, dumadaan lahat sa approval ng board. I will know almost everything when I start working. Mag-oopisina ako pero not necessarily everyday nandun.”

Si Papin ang singer sa likod ng hit song na ‘Isang Linggong Pag-ibig’ and she also revealed her program ‘Isang Linggong Serbisyo,’ which she personally proposed to President Frdinand Marcos Jr.

“Ang priority ko talaga ay medical assistance kasi ito naman talaga ang mandato ng PCSO. Kaya nga I have this program na ‘Isang Linggong Serbisyo’ na na-mention ko sa President and okay siya and masaya siya.

“Kahit Sabado at Linggo, we will probably put up a call center or line para matugunan agad ‘yung mga tao basta complete ‘yung requirements nila. Kailangan mailabas agad ‘yung tulong kasi nakakaawa ‘yung mga taong nakapila, naghihintay. I bring this up to the board,” she said.

On why this position matters, paliwanag niya, “Ako ay nasanay na sa pagtulong dahil ang papa ko noon ay nasa politics for 20 years. Nakita ng dalawang mata ko ‘yun. Marami na akong natulungan.

“When I became na vice governor for 9 years, ako ay lumalabas talaga para tumulong. I had my feeding program which I fed more than 500,000 children, mga housing projects, scholarship programs. Masaya ako kapag may napapangiti akong tao.”

May basher din si Imelda sa pagkaka-appoint niya bilang PCSO director and may message siya rito: “Okay lang ‘yun. Unang-una, ‘yung binigay sa akin ng tiwala ng Pangulo, hindi naman siguro ibibigay sa akin ‘yan kung hindi ko deserve ‘yan.”

She added, “Malakas ang loob ko. I face anyone. Sanay na sanay ako sa intriga sa showbiz. I always give my smile sa criticisms.”

Papin was also asked on her thoughts on people who don’t take celebrities seriously, taking government roles.

“They better take it seriously this time. Kasi ako naman, wala naman kayong narinig na involved ako sa corruption or mga away. Wala naman. Inalagaan ko po ang aking pangalan.

“Nilagay ako ng Diyos sa tugatog ng tagumpay. I came from a very poor place and then tinulungan ako ng pamilya ko. And sa fans ko na sumuporta sa akin,” she said.

Dinagdag din ni Papin na si Hero Bautista ang papalit sa kanya bilang presidente ng Actors Guild of the Philippines, saying she will still support the organization.

“Bibigyan namin ng parangal ang mga haligi ng pelikula. Naunahan kami ng FAMAS. Gusto naming gawin sa September.

“Ang Actors Guild of the Philippines ay gagawa ng awards para sa mga haligi ng pelikula,” she said. JP Ignacio