Home METRO Sanggol, 3-anyos na kapatid ginilitan ng problemadong ina bago magpatiwakal

Sanggol, 3-anyos na kapatid ginilitan ng problemadong ina bago magpatiwakal

185
0

DAVAO DE ORO — Patay ang pitong buwang sanggol at ang tatlong taong gulang nitong kapatid na lalaki matapos silang gilitan sa leeg ng kanilang sariling ina na umano’y dumaranas ng matinding problema, iniulat kahapon sa bayan ng Nabunturan.

Naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang magkapatid sa loob ng kanilang silid, habang isinugod naman sa ospital ang suspek na kanilang ina matapos saksakin ang sarili makaraang patayin ang mga anak.

Ayon kay Police Captain Jusi Belle Abellon, tagapagsalita ng Davao de Oro Police Provincial Office, nakita ng lolo ang kanyang anak at dalawang apo na nakahandusay sa sahig ng silid. Buhay pa umano ang ina kaya’t agad niya itong binuhat.

Tinanong umano ng lolo kung sino ang may gawa nito o kung siya mismo ang may kagagawan. Hindi na raw nakapagsalita ang ina dahil may sugat din ito sa leeg at tumango lamang.

Sinabi rin ng lolo na nagkaroon umano ng pagtatalo ang ina at ang live-in partner nito — ama ng mga bata — bago ang insidente.

Ayon kay Abellon, umalis ang ama noong gabing iyon dahil kailangan niyang bumiyahe bilang truck helper.

Kinabukasan lamang nadiskubre ang krimen.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang suspek matapos sumailalim sa operasyon. Hindi na umano magsasampa ng kaso ang kanyang kinakasama laban sa kanya.

Aminado naman ang ama ng mga bata na may matinding problemang pinagdadaanan ang kanyang kinakasama.

— Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here