MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang hot pursuit operations laban sa mga indibidwal na maaaring nasa likod ng pamamaril malapit sa isang polling center sa Bangued, Abra, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, Mayo 12.
“Kasalukuyan na po na nagkakaroon ng hot pursuit operation doon sa maaaring nagpaputok,” sabi ni Comelec Chairman George Garcia.
Ayon kay Garcia, narinig ang mga putok bandang alas-7 ng umaga malapit sa Sagap Elementary School.
Ang insidente ay nagdulot ng panic sa mga botante.
Nagtakbuhan ang mga botante at may mga nahimatay sa kaguluhan. Huminto ang pagboto ng ilang minuto ngunit muli ring ipinagpatuloy.
Dalawang biktima ang tinamaan ng bala sa balikat at likod na agad dinala sa ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden