Manila, Philippines – Nagkaroon na noon ng isyung nagparetoke ng ilong ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.
Nang makapanayam siya noon tungkol sa celebrities na sumasailalim sa enhancements o pagpaparetoke, dinepensahan naman niya ito.
Aniya, wala naman siyang nakikitang masama sa pagpapa-‘salamat doktor’ lalo na kung afford daw naman ito ng isang tao as long na wala itong tinatapakang iba.
Dagdag pa niya, kung makakaganda ba o makakagaan ng pakiramdam sa isang tao ang magpa-enhance, G raw siya rito.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi pa siya sumasailalim sa cosmetic surgery o maging breast augmentation maliban sa ginawa sa kanyang dental enhancements noon.
Sa latest picture naman niya na nag-viral,
marami ang nakapansin sa tila pagbabagong anyo ni Sanya.
Nanibago ang kanyang kafaneyan sa bagong hulma ng kanyang ilong kaya hindi maiiwasang intrigahin siyang nagparetoke.
Ito ang ilan sa hirit ng kibitzers
“Nag-iba ilong niya.”
“Tabingi nga.”
“Parang nagpaayos ulit siya ng nose.”
“Yung butas ng ilong hindi pantay.“
“Maganda pa rin naman.”
“Her recent photo looks different na. IG”
“Nabother ako nakaka OC ung ilong. Gusto ko ayusin hahahah.”
Sa ngayon, hindi pa naman sinasagot ni Sanya ang isyu tungkol sa diumano’y pagpaparetoke niya. Archie Liao