Home HOME BANNER STORY Sara Duterte nangunguna sa posibleng 2028 presidential race – sarbey

Sara Duterte nangunguna sa posibleng 2028 presidential race – sarbey

3
0

MANILA, Philippines — Kung gaganapin ang halalan sa 2028 sa panahon ng survey, si Vice President Sara Duterte ang pipiliin ng 49% ng mga respondent bilang pangulo, ayon sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 3.

Pumangalawa si dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo na may 26%, sinundan ni Senador Raffy Tulfo na may 14%. Nakakuha naman ng 1% sina DPWH Secretary Vince Dizon at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, habang 0.1% si MMDA General Manager Nicolas Torre III.

Pinakamalakas ang suporta kay Duterte sa Visayas (53%), Mindanao (87%), at Class E (59%). Nanguna rin siya sa limang iba pang presidential scenarios na isinama sa survey.

Para naman sa pagka-bise presidente, nanguna si Senador Bong Go na may 27%, sinundan nina Robin Padilla (21%), Bam Aquino (14%), Grace Poe (14%), Erwin Tulfo (9%), Francis Pangilinan (4%), at Nicolas Torre III (0.5%).

Ipinakita rin ng survey na 89% ng mga Pilipino ang interesado sa halalan sa Mayo 2028.

Isinagawa ang survey sa 2,400 adult respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews. Mayroon itong ±2% margin of error sa 95% confidence level. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here