Manila, Philippines- Mismong kay Sarah Lahbati na rin nanggaling na she’s suffering from ADHD.
A medical condition, the acronym stands for Attention Deficit Hyperactivity Disorder.
Ang mga taong may ganitong kundisyon find it difficult to pay attention dahil madali silang ma-distract.
Nao-overwhelm din sila when confronted with an organized schedule.
Sa kaso ng estranged wife ni Richard Gutierrez, kung hindi pa siya inimbitahan ng Vogue Philippines sa Paris Fashion Week ay hindi pa niya ito mababanggit.
Ani Sarah, ipinagpapasalamat niya ang organisadong PFW schedule even calling it a blessing.
Naturingan nga namang isa siyang newbie yet the importance na ipinagkaloob sa kanya ng Vogue Philippines ay ganoon na lang.
Looking forward si Sarah to atteding fashion weeks in the future.
Speaking of ADHD, minsan nang inamin ni Ai Ai de las Alas na ang kanyang anak kay Miguel Vera na si Nicolo ay meron nito.
Anyway, ilan lang sa nag-congratulate kay Sarah for gracing the PFW ay sina Heart Evangelista at Sofia Andres.
That’s minus Kyline Alcantara dahil nag-unfollow na sila sa isa’t isa sa Instagram. Ronnie Carrasco III